ANG SALOOBIN NG ISANG BATANG INA.
Ericquel | 22 | ina | asawa | kaibigan | kaaway | tao. |


1/1

NASABI KO NA NAMAN NA MAY ANAK NA ‘KO DIBA?

Pero sa tingin ko, hindi ko pa nasasabi sa inyo na anak ko ang gumanap na baby Marimar sa bersyon ni Marian Rivera. :)

Oo. Kung natatandaan nyo pa yung pilot episode nun, anak ko yung sinisilang ni <insert name=”” here=”“> played by Ms. Rita Avila sa pampang.</insert>

Mahabang kwento kung bakit ang anak ko ang napili na gumanap bilang ang batang Marimar.

2007. Sa Santolan. May Nagtataping ng isang magiging palabas non sa GMA7. Nakalimutan ko yung title pero ang bida non si Yasmien Kurdi. Bumaha (ang OA ng mga words ko, alam ko) ng artista sa lugar namin. (Andun sina Wendell, Rainer, Gladys Reyes, Alicia Mayer, etc.)

Hindi ako yung klase ng tao na naiis-starstruck pero tangina, nung nakita ko si Wendell, shit! Hahahaha. :)) Ks, back to the story. Ang hindi ko alam, meron na palang mga talent scout na nag-iikot sa lugar namin para maghanap ng baby (mas prefer nila yung isa hanggang dalawang buwan pa lang.) Nataon naman na ako mismo yung napagtanungan ng isang scout given by name of Michael Soria(And yes! Yung isa kong kaibigan na talent ng GMA, kilala siya) tinanong niya ko. So, sabi ko meron, anak ko. Pinapasok ko siya sa bahay namin. Tiningnan niya yung anak ko, kinunan ng litrato gamit yung celfon niya, chikahan tungkol sa bata. Tapos nagbigay siya ng calling card niya. Ang sabi niya,don’t call us, we will call you.

The next day, kumakain kami ng dinner together with my family, when my dad received a phone call from anonymous (number only.) They talked. Until I heard that my Dad was like saying, mga anong oras sa madaling araw? Then, siguro naisip ng dad ko na mas mabuting ako at ang scout ang mag-usap, so binigay niya skin yung cellphone. And nakausap ko na yung scout. He told me that among 30 babies they searched, the production of Marimar chose my daughter. So ako, Marimar? WTF! Doon ko narealized na gaganap ng isang malaking role ang anak ko sa telebisyon!

4:30 AM. August 4, 07

A van arrived in front of our house knowing na sila na yon, sinusundo na kami for my daughter’s first day of taping. We went to Batangas (forgot the specific place.)

Na-experienced ko na yung sumama sa mga taping before. But unlike sa taping ng Marimar,everyone’s busy. Siguro nga kasi, Marimar yon. Doon ko din nalaman na sequence by sequence pala kung mag-tape ng palabas sa TV. Akala ko kasi before, dire-diretso, papalit-palit lang ng lugar. Mas madali, lahat ng sequence ng palabas na may taping sa ganitong lugar, tinatape na nila para hindi na sila babalik pa. Tapos siguro ineedit na lang nila.

My daughter’s first scene was together with Ms. Rita Avila and Mr. Jestoni Alarcon. Sila yung gumaganap bilang mga magulang ni Marimar. Yung eksena was all about when Jestoni finally took home of his mag-ina sa bahay nila (kayo na lang bahala mag-imagine dun sa eksena.)

Ms. Pilar Pilapil and Mr.Jaime Fabregas were there also.

And everyone’s busy.

4:30 AM. August 5, 07.

FINALLY! Someone shouted pack up na daw! Grabe! Isang buong araw kami don! Pero hindi naman lahat, eksena ng anak ko. Kaya lang, syempre hindi pala pwedeng kanya-kanya ng pack-up, hahahaha. So, natapos ng anak ko lahat ng scene niya.

Pumasok na kami sa Van, usap-usap lang. Hanggang sabi ng scout samin, oh. Kagaya ng sinabi namin sa inyo, hatid at sundo namin kayo. Ihahatid namin kayo ngayon tapos bibigyan namin kayo ng time para maligo at mag-ayos tapos diretso na tayo sa Zambales. And my husand and I were likeWhuuuuut? Hahahaha. Iyak-tawa kami promise! Ang hirap pala talagang maging artista.

Sa bahay. Ang hirap mag-ayos agad at maligo kasi ang daming chikadora na nagtanong agad e. Even my family, they kept asking us. Nag-usap yung Dad ko and yung scout na may taping pa nga at Zambales naman. Na-shocked yung Dad ko. There is this belief daw kasi na bawal daw i-explore ang baby kapag hindi pa nabibinyagan. That time kasi, hindi pa nabibinyagan yung baby ko. So nag-usap sila. I, was only seventeen then, nasa consent pa ‘ko ng mga magulang ko kaya siguro Dad ko ang nakikipagnegociate. Final decision: Sasama ang Dad ko. Hahahaha!

1:00 PM. August 5, 07.

Nasa Zambales na kami non. Doon ko nakita ang halos lahat ng cast ng Marimar. Pati si Fulgoso, lol. :>

Puro madaling araw yung taping ng baby ko. Pati nung sinilang siya, madaling araw din.

Doon ko din nakilala ng personal si Bb. Joyce Bernal. Personal to the point na para kaming magkaibigan talaga. She was shocked when she knew that I am only seventeen (that time.) She gave advices and everything. Flattering, promise.

Marian Rivera and Dingdong Dantes were there. (As you can see in the picture, Dingdong cuddled my daughter and that half girl on the right side was Marian.

Almost 2 days kaming nandun. Luckily, they treated us special. May kwarto kami doon. That time din, before we leave the place, we disgussed about the talent fee of my daughter. Mas mahal pala kapag baby. Depending on the role, my daughter’s talent fee for a day is P4,000 minus the percentage of the scout. So, all in all, we received P12,000 for three days. Grabe. Tatlong araw lang, P12,000 na? Talent pa lang yan huh? What more kung talagang sikat na artista ka na? Hindi talaga imposible ang bahay at lupat at kotse at, at, at sa mga artista. :)

And let me add this, sayang daw ako sabi ni Ms. Joyce Bernal. Hahahaha. She gave me reason to love her. :))

Hindi ko na alam kung anong oras kami nakauwi ng bahay. Lahat nagtatanong even my mom. She asked me kung anong gagawin namin sa P12,000. I gave my Dad P3,500 of the money, (tulong or should I say, sukli sa lahat ng ginawa nila for us) and the rest of the money, ginastos namin pampabinyag. Yes! Pinabinyagan namin ang anak namin gamit ang sarili niyang pera. Diba ang sarap sa pakiramdam non?

After that, I know I have something to tell to my daughter kapag malaki na siya. Something na hindi lang niya maririnig samin, mapapanood pa niya. We have the copy of original and complete version ofMarimar.

Unfortunately, hindi lang namin nakuha sa DOLE yung ID ng anak ko. :(

Now, she’s 3 years old na. Her name is Eryn Benise. ER for ERIcquel (my name) and YN for BrYaN (her father’s name) and Benise for wala lang, HAHAHA!

Young Marimar and young Angelica. Sila yung mga kasama ko sa isang picture. Madami pa yan. tatlo muna. :D

a


4 notes
Tagged as: pamilya, photo., anak.,


  1. eklita posted this



NOT ENOUGH Theme By: ©YaniLavigne Best Viewed: Mozilla Firefox 1027x750