ANG SALOOBIN NG ISANG BATANG INA.
Ericquel | 22 | ina | asawa | kaibigan | kaaway | tao. |


1/1

Nakikita mo ba yang daan na yan? Ganyan kahaba ang nilalakad ko kapag uuwi na ‘ko galing sa paghahatid sa school ng panganay ko. Sa totoo lang, hindi naman nakakapagod. Mahangin naman tsaka hindi gaanong mainit. Mag-uumpisa akong maglakad mga 8:30 ng umaga tapos dadating ako sa bahay, 8:44. Diba ilang minuto lang. Kapag magsusundo naman ako, 10:45 naglalakad na ‘ko para pagdating ko sa school, saktong 11:00 na, uwian na ng anak ko.
Kaya napapost ako ng ganito kasi kanina nung naglalakad na ko papuntang school para magsundo, may isang tricycle na huminto sa harap ko. Akala niya siguro sasakay ako pero nung sinabi kong hindi, nagulat ako kasi mali pala ang akala ko. “Sige na, sakay ka na.” Hindi ko akalaing may magmamagandang loob na pasakayin ako ng libre. Akala niya siguro wala akong pamasahe, hehehe. Pero, tatanggihan ko pa ba ang tulong niya? Sumakay ako. Ito pa ang nakakagulat, alam niya kung saan ako ibababa. Inisip ko na lang na isa lang siguro siya sa mga tricycle na dumadaan doon na napapansin ako. Sinubukan kong mag-abot ng bayad pero hindi niya tinanggap kaya nagpasalamat na lang ako.
Nakakatuwa lang. May mga ganoong klase pa pala ng tao sa panahon ngayon? Na handang magparaya ng sampung piso para lang makatulong. Hindi ko makakalimutan ang manong na yon. Isa siyang modelo na dapat ipagmalaki.
Sa uulitin! :)

Nakikita mo ba yang daan na yan? Ganyan kahaba ang nilalakad ko kapag uuwi na ‘ko galing sa paghahatid sa school ng panganay ko. Sa totoo lang, hindi naman nakakapagod. Mahangin naman tsaka hindi gaanong mainit. Mag-uumpisa akong maglakad mga 8:30 ng umaga tapos dadating ako sa bahay, 8:44. Diba ilang minuto lang. Kapag magsusundo naman ako, 10:45 naglalakad na ‘ko para pagdating ko sa school, saktong 11:00 na, uwian na ng anak ko.

Kaya napapost ako ng ganito kasi kanina nung naglalakad na ko papuntang school para magsundo, may isang tricycle na huminto sa harap ko. Akala niya siguro sasakay ako pero nung sinabi kong hindi, nagulat ako kasi mali pala ang akala ko. “Sige na, sakay ka na.”┬áHindi ko akalaing may magmamagandang loob na pasakayin ako ng libre. Akala niya siguro wala akong pamasahe, hehehe. Pero, tatanggihan ko pa ba ang tulong niya? Sumakay ako. Ito pa ang nakakagulat, alam niya kung saan ako ibababa. Inisip ko na lang na isa lang siguro siya sa mga tricycle na dumadaan doon na napapansin ako. Sinubukan kong mag-abot ng bayad pero hindi niya tinanggap kaya nagpasalamat na lang ako.

Nakakatuwa lang. May mga ganoong klase pa pala ng tao sa panahon ngayon? Na handang magparaya ng sampung piso para lang makatulong. Hindi ko makakalimutan ang manong na yon. Isa siyang modelo na dapat ipagmalaki.

Sa uulitin! :)

Tagged as: Ekspiryens., photo.,




NOT ENOUGH Theme By: ©YaniLavigne Best Viewed: Mozilla Firefox 1027x750